Halos 300 CAAP employees positibo sa COVID

Halos 300 CAAP employees positibo sa COVID

January 19, 2022 @ 8:58 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 300 empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) simula Enero 1, ayon sa opisyal, Martes.

Nagsagawa ng mass testing ang CAAP sa kanilang mga emplyado matapos ang holiday break noong Disyembre, ayon kay CAAP chief of staff Danjun Lucas sa Laging Handa public briefing.

Sa interbyu ng Philippine News Agency, sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na mayroon silang 6,918 empleyado sa bansa at 6,643 na rito ang bakuando laban sa COVID-19.

Dagdag pa niya na ang 289 sa 1,486 na empleyado ng CAAP central office ay nagpositibo sa COVID-19 na nakumpirma ng RT-PCR test.

“Few hours after the test results (were received), the hourly arrival at the NAIA was reduced from 18 to 16 per hour,” aniya pa.

Aniya pa na karamihan sa mga nagpositibong staff sa COVID ay mga traffic controllers.

“So we conducted (Covid) tests for the other air controllers. We provided them a facility where they could stay and provided them with other necessities so they are safe while we continue our operations,” ani Lucas.

“Air controllers are important in maintaining safe operations at the airports, and in ensuring the safety of passengers going in, outside and within the Philippine airspace,” aniya pa.

“That is why, you may have noticed that many flights were either canceled or delayed in the past weeks. That was because there was a decrease in the number of pilots, cabin crew, even ground handlers and security personnel,” dagdag pa ng opisyal.

Sa kabila nito, sinabi ni Lucas na ilan sa CAAP employees ang nakarekober na at tapos na sa kwarantin.

Nasa 40% ng CAAP employees ang kasalukuyang nakasailalim sa work from home. RNT