Halos 300 LET takers, nagpositibo sa COVID; ‘di pinayagang mag-eksam

Halos 300 LET takers, nagpositibo sa COVID; ‘di pinayagang mag-eksam

January 31, 2022 @ 10:32 AM 8 months ago


CAGAYAN VALLEY- Umabot sa 272 Licensure Examination for Teachers takers ang hindi pinayagang mag-eksam matapos na magpositibo sa isinagawang Rapid Antigen Testing, isang araw bago ang  dito sa region 2.

Sinabi i Dr. Angelica Taloma ng DOH Region 2, mula sa 3,624 na nasuri sa mga itinalagang swabbing sites sa Tuguegarao City, Cagayan at Cauayan City, Isabela kung saan 7.5% ang positivity rate.

Ang mga nagpositibo ay agad dinala sa isolation area at ipinakuha sa kani-kanilang local government units para mabigyan ng kaukulang pansin.

Isinagawa rin ang agarang contact tracing sa mga swabbing sites para matukoy ang mga naging close contacts ng mga nagpositibo.

Batay sa panuntunan ng Professional Regulation Commission (PRC) hindi muna maaaring kumuha ng pagsusulit ang mga nagpositibo para sa kaligtasan ng iba pang examinees at sila ay maaaring ire-schedule sa susunod na batch.

Samantala, maliban sa Batanes na nasa ilalim ng Alert level 2 ay mananatili sa Alert Level 3 ang probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino hanggang ika-15 ng Pebrero, ngayong taon dahil sa patuloy ang banta ng nakakamatay na virus. Rey Velasco