Halos 3,000 residente naturukan sa mobile vaccination sa Parañaque

Halos 3,000 residente naturukan sa mobile vaccination sa Parañaque

July 22, 2021 @ 11:10 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines- Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez na ang mobile vaccination program (MVP) ng lokal na pamahalaan na inilunsad noong Mayo 22 ay nakapagbigay na ng bakuna sa 2,287 residente ng lungsod.

Sinabi ni Olivarez na napuntahan na ang 11 komunidad sa buong lungsod ng MVP team na pinangunahan ni Dr. Jefferson Pagsisihan, medical director of Ospital ng Parañaque 1 & 2 (OsPar 1&2) kung saan nakapagbigay na sila ng bakuna sa 2,287 indibidwal.

Bukod kay Pagsisihan ang MVP team na binuo ni Olivarez ay kinabibilangan ng mga representatives na galing sa City Health Office (CHO), Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa pamumuno ni Dr. Darius Sebastian at sa pakikipag-ugnayan kay Eva Nono, hepe ng Parañaque External and Homeowners Affair (PEHA).

Napag-alaman na si ang nagre-report kung anong barangay o subdibisyon ang mayroong mataas na bilang ng coronavirus disease o COVID-19 na siyang nakikipag-ugnayan kay Nono na nakikipag-usap naman sa mga homeowner’s association para sa pagsasagawa ng MVPs’ vaccination program.

Sinabi ni Nono na ang pagbuo ng MVP team ay nagging matagumpay dahil mas marami pang village at subdibisyon ang nakikipag-ugnayan sa kanya para sa pagtuturok ng bakuna sa kanilang mga komunidad.

Ang mga residente na naninirahan sa mga villages at subdibisyon, ayon pa kay Nono, ay mas nanaisin pa nilang magpabakuna sa kanilang bahay kaysa magtungo pa sila sa vaccination sites dahil na rin sa takot nab aka mahawa pa sila sa kinakatakutan ngayong mabilis na manghawa na Delta variant.

Dagdag pa ni Nono na masaya si Olivarez sa ipinapakitang partisipasyon ng mga homeowners’ association sa programang baksinasyon sa lungsod. (James I. Catapusan)


  •  
  •  
  •