Halos 300K napanis na bakuna napalitan na ng COVAX

Halos 300K napanis na bakuna napalitan na ng COVAX

July 6, 2022 @ 11:01 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Napalitan na ang COVID-19 vaccine na kinokonsidera nang ‘wastage’ o mga na-expired nang mga bakuna.

Sinabi ng Department of Health (DOH), matagumpay na nai-deliver ang shipment mula sa COVAX ng nasa 299,520 doses ng Pfizer vaccines na donasyon mula sa gobyerno ng US noong June 27,2022 .

Ang NVOC o National Vaccine Operation Center ay nakikipag-ugnayan na rin umano sa iba pang opisina sa DOH sa pagtukoy ng mga vaccine stockpile at inaasahang dosis kasama ang paggamit ng demand planning tool sa pagsunod sa kinakailangan ng COVAX.

Nauna nang nangako ang COVAX na magpapadala ng kapalit sa mga nasirang bakuna sa Pilipinas upang may magamit sa mga indibidwal na hindi pa nakatanggap ng kanilang bakuna. Jocelyn Tabangcura-Domenden