Halos 38K paaralan handa na sa F2F classes – DepEd

Halos 38K paaralan handa na sa F2F classes – DepEd

June 18, 2022 @ 2:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 38,000 paaralan ang handa na para sa in-person classes para sa pagbubukas ng School Year 2022-2023 sa Agosto, ayon sa top official ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado.

Inihayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na base sa assessment ng DepEd sa kahandaan ng mga paaralan sa implementasyon ng health protocols para sa face-to-face classes “almost 38,000 of our schools, public and private… are ready.”

Sinabi pa ni Malaluan na sa 38,000 paaralan, karamihan o 36,000 ay mga pampublikong paaralan o halos 80 porsyento ng kabuuang 47,612 pampublikong paaralan sa bansa.

Ilan lamang sa readiness requirements para sa in-person classes ang well-ventilated classrooms maging hand-washing facilities, base sa DepEd official.

Idinagdag din ni Malaluan na balak ng DepEd na ipatupad sa 100 porsyentongface-to-face classes sa Agosto kahit na ilagay sa Alert Level 2 ang mga lugar sa bansa dahil pinapayagan ang face-to-face classes sa Alert Levels 1 at 2.

Gayundin, inihahanda ng Education Department ang Learning Recovery and Continuity Towards the New Normal in School Year 2022-2023, na ite-turn over sa susunod na administrasyon, dagdag niya. RNT/SA