Halos 3M Pinoy walang trabaho!

Halos 3M Pinoy walang trabaho!

August 8, 2022 @ 9:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumirit sa 2.99 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hunyo, ayon sa datos ng state statistics bureau ngayong Lunes.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 6 na porsiyento kaysa sa bilang ng mga walang trabaho noong Mayo na nakapagtala ng 2.93 milyong walang trabahong mga Pilipino.

Samantala, ang unemployment rate naman ngayong Hunyo ay mas mababa kaysa noong Hunyo 2021 na nasa 7.7 porsyento, katumbas ng 3.77 milyon. Pareho rin ito sa naitala noong Mayo.

Ang underemployment, o mga manggagawa na naghahanap ng mas maraming trabaho o oras ng trabaho naman ay lumapag sa 12.6 porsyento noong Hunyo, katumbas ng 5.89 milyon.

Mas mainama ang underemployment rate ng Hunyo kumpara sa Mayo 14.5 porsyento o 6.67 milyon at Hunyo 2021 na 14.2 porsyento na may 6.41 milyon, sinabi ng PSA. RNT