Halos 40 patay sa Myanmar anti-coup protest

Halos 40 patay sa Myanmar anti-coup protest

March 4, 2021 @ 6:57 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Myanmar – Kinonsiderang pinakamadugong araw sa Myanmar ang Miyerkoles mula nang magsimula ang kudeta matapos masawi ang 38 katao sa naganap na gulo sa pagitan ng mga nagpoprotesta at pwersa ng militar.

“It’s horrific, it’s a massacre. No words can describe the situation and our feelings,” sinabi ni youth activist Thinzar Shunlei Yi sa Reuters.

Kasamang nasawi ang apat na bata habang daan-daan ang inaresto sa ilang bayan at lungsod sa nasabing bansa.

Ayon sa mga saksi, namaril ang pulisya nang walang pasabi.

“Today it was the bloodiest day since the coup happened on the 1st of February. We had today — only today — 38 people died. We have now more than over 50 people died since the coup started, and many are wounded,” ani United Nations special envoy on Myanmar, Christine Schraner Burgener.

Batay sa salaysay ng mga saksi, walo ang napatay umaga ng Miyerkoles at pito pang iba bago gumabi sa Yangon City.

“I heard so much continuous firing. I lay down on the ground, they shot a lot,” lahad ni protester Kaung Pyae Sone Tun sa Reuters.

Anim naman ang patay sa bayan ng Monywa, may naitala ring nasawi sa Mandalay City, bayan ng Hpakant, at Myingyan.

Ayon naman sa pahayag ng Save the Children, isang 14-taong gulang na bata ang binaril ng pulis habang dumadaan ang convoy nito, kinuha ng mga ito ang labi ng bata at umalis.

Ang nasabing mga pagpatay ay matapos manawagan ang f oreign ministers ng Southeast Asia na palayain si Suu Kyi at ibalik muli ang demokrasya.

“Sad news of bloody clashes and loss of life…I appeal to the authorities involved that dialogue may prevail over repression,” saad ni Pope Francis sa isang tweet.

Kinondena rin ng European Union ang marahas na pagpatay sa mga sibilyan at iginiit na paglabag ito sa international law.

“There must be accountability and a return to democracy in Myanmar,” ayon sa EU. Mula sa ulat ng Reuters


  •  
  •  
  •