Halos 400 residente sa Palawan inilikas sa matinding baha

Halos 400 residente sa Palawan inilikas sa matinding baha

October 29, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 395 na mga residente ang inilikas mula sa bayan ng Cuyo at Puerto Princesa sa Palawan dahil sa baha na dulot ng matinding pag-ulan dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, 104 indibidwal mula sa anim na barangay ng Puerto Princesa City ang dinala na sa mga evacuation center samantala 291 indibidwal naman ang inilikas na mga residenteng nakatira sa tabing-dagat ng Barangay Tenga-tenga at Cabigsing.

Sa dagdag na ulat, binaha rin ang Barangay Poblacion sa Taytay at Barangay New Barbacan sa bayan ng Roxas.

Samantala, iniulat ng Philippine Coast Guard na nasa 227 pasahero kabilang ang 13 sanggol ang na-stranded sa Coron makaraang suspendihin na ang lahat ng biyahe sa dagat Biyernes pa lamang ng tanghali, Oktubre 28.

Sa huling bulletin ng PAGASA ay nakataas ang Signal No. 1 sa mga bayan ng Roxas, Taytay, Araceli, Dumaran, El Nido, Cuyo at Calamian islands ng probinsya. RNT/JGC