Halos 400K election ballot, depektibo – Comelec

Halos 400K election ballot, depektibo – Comelec

April 21, 2022 @ 12:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Comelec Commissioner George Garcia sa mga mamahayag ngayong umaga na nasa 372,878 na mga balota mula sa 64,442,616 na mga inimprentang balota na para sa Eleksyon 2022 ang “depektibo”.

Sinabi ng Comelec Commissioner na ang naturang bilang ng mga defective ballots ay  0.58% ng kabuuang bilang ng mga balota.

Ayon kay Garcia, “subject for reprinting” ang mga balota na ito.

Aniya,  tatapusin lamang ang reprinting ng lahat at paglimbag ng iba pang forms, at pagkatapos ay isasagawa na ang “destruction” o pagsira sa mga depektibo balota.

Nakatakda namang maglabas ng abiso ang Comelec kung kailan ito gagawin.

Sa mga naunang pahayag ng Comelec, sinasabing ipapakita sa publiko ang mga depektibong balota at susunugin ang mga ito. Jocelyn Domenden-Tabancura