Halos 40K korap na opisyal, pinarusahan sa China

Halos 40K korap na opisyal, pinarusahan sa China

July 31, 2018 @ 6:36 PM 4 years ago


China – Pinarusahan ng China’t anti-graft watchdog ang nasa 36,618 na opisyal sa unang parte ng 2018 dahil sa paglabag sa istriktong Communist Party frugality rules.

Ayon sa state news agency na Xinhua, kabilang sa mga kasalanan ng mga opisyal ay ang pagkuha ng mga hindi awtorisadong bonus, pagtanggap ng regalo at ang hindi paggamit sa tama ng mga government vehicles.

Ito ay parte pa rin ng nagpapatuloy na kampanya ni President Xi Jinping laban sa korapsiyon.

Taong 2012 nang ilunsad ang ‘8 rules’ sa China na dapat sundin ng government officials kabilang na ang ‘overspending’ o labis-labis na paggasta ng pera ng taumbayan.

Simula noon, dose-dosena na ang naipakukulong kabilang na ang mga matataas na opisyal ng gobyerno. (Remate News Team)