Halos 40K pasahero sa mga pantalan sa Undas, naitala ng PCG

Halos 40K pasahero sa mga pantalan sa Undas, naitala ng PCG

November 2, 2022 @ 2:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Libu-libong mga pasahero ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong umaga, Nobyembre 2 bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos – Undas 2022.

Ayon sa pinakahuling monitoring ng Coast Guard, nasa halos 40,000 pasaherong pandagat ang kanilang naitala.

Inaasahan na rin kasi ang pagbabalik ng mga nagsipag-uwian sa mga probinsya para doon gunitain ang Undas.

Sa ulat ng PCG, sa nasabing bilang ay 20,172 sa mga ito ang outbound passengers at 17,516 naman ang inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa.

Nagpakalat na ang ahensya ng 2,247 na mga personnel na siya namang nag-inspeksyon sa 221 vessels at 136 motorbancas.

Ayon sa PCG, maliban sa pagpapatupad ng maritime security at maritime safety, tumutulong din ang PCG personnel sa pagpapatupad ng health protocols upang makaiwas pa rin sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden