Halos 40M Pinoy eligible maturukan ng booster shot – eksperto

Halos 40M Pinoy eligible maturukan ng booster shot – eksperto

June 2, 2022 @ 5:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 40 milyong indibidwal ang ang hindi pa natuturukan ng booster shot, ayon sa dating presidente ng Philippine Medical Association nitong Huwebes.

Hinihikayat ang publiko na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna at magpaturok ng booster upang maiwasan ang pagsirit ng COVID-19 cases, ayon kay Dr. Benito Atienza, na bumaba na bilang presidente ng PMA nitong Martes,

Halos 14 milyong indibidwal naman ang nabakunahan na ng karagdagang dose, base kay Atienza. Mayroon ding halos 142,000 indibidwal na naturukan na ng ikalawangbooster shots, base naman sa Department of Health (DOH) nitong Martes.

“Ang maganda nga dyan bago kami mabigyan ng 2nd booster eh nabigyan muna yung iba ng first booster. Alalahanin po natin na nagwane na ang ating immunity para sa COVID-19 kasi lampas na po yan ng 4 to 6 months,” pahayag ni Atienza sa isang televised briefing.

“Marami po tayong bakuna, wag po kayong magaalala. Marami pong bakuna sa ating health centers, LGUs (local government units), hospitals, kino-coordinate lang po yan. Nakikipagugnayan po kami sa DOH,” dagdag niya. RNT/SA