Halos 44K pulis, na-promote

Halos 44K pulis, na-promote

January 10, 2023 @ 4:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang ranggo ng kabuuang 43,823 pulis sa buong 17 rehiyon ng bansa.

Iginawad ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang promosyon sa sabay-sabay na oathtaking, donning at pinning ng mga ranggo ng second-level personnel noong Martes.

Kabilang ang 4,661 pulis sa ginanap na simultaneous oath-taking, donning and pinning of ranks of newly-promoted 2nd Level Uniformed Personnel sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. (Mga larawan kuha ni Cesar Morales)

Na-promote ang mga tauhan mula sa ranggong Patrolman (Pat.) hanggang Tenyente Koronel (Lt. Col) na ginanap sa Camp Crame at iba’t ibang unit sa pamamagitan ng virtual na seremonya.

Kasama sa bilang ang 1,172 police personnel na nakatalaga sa PNP National Headquarters.

Sa ibang lugar sa mga rehiyon, nagsagawa rin ng oathtaking ceremony para opisyal na kumpirmahin ang promosyon.

“I think this promotion would really mean a lot for our personnel. So this is what we are asking for from them, the cooperation that is at their level, they should start cleansing their ranks, they should start cleansing themselves specifically regarding their involvement in illegal drug activities,,” pahayag ni Azurin.

Aniya, walang lugar sa kapulisan ang mga sangkot sa iligal na droga.

“We are the enforcers of the law. We are the ones who go after illegal drug peddlers. We should not be tainted,” dagdag niya.

Sa mga pulis na nanumpa, 406 ang na-promote sa ranggong Major; 3,568 sa Kapitan; 273 sa Tenyente; 1,707 sa Executive Master Sergeant; 3, 507 sa Chief Master Sergeant; 3,033 sa Senior Master Sergeant; 5,046 sa Master Sergeant; 11,711 sa Staff Sergeant at 14,562 sa Corporal. RNT/SA