Halos 4K tiklo sa anti-illegal gambling ops sa Central Luzon

Halos 4K tiklo sa anti-illegal gambling ops sa Central Luzon

May 19, 2022 @ 7:44 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi bababa sa 3,878 katao ang naaresto habang higit P1.3 milyong  perang pantaya ang nakumpiska sa mga anti-illegal gambling operations sa Central Luzon simula noong Enero.

Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), kabuuang 886 na mga police operations ang naisagawa ng awtoridad na layong wakasan ang problema sa mga iligal na sugal sa bansa.

“Gambling addiction, like illegal drugs, robs the rationality of a person both young and old as it affects both their potential and productivity,” saad ni Brig. Gen. Matthew Baccay, PRO3 director.

“It causes a threat to the community when an individual is forced to do something to sustain his/her gambling addiction,” dagdag niya.

Kasabay nito, nagbabala rin si Baccay sa mga pulis na masasangkot sa pagpapakalat ng mga iligal na pasugalan sa kanilang mga lugar. RNT/ JCM