Halos 50 ibong macaw, iuuwi na sa Brazil

Halos 50 ibong macaw, iuuwi na sa Brazil

June 25, 2018 @ 1:11 PM 4 years ago


Brazil – Pakakawalan ang halos 50 na Spix macaw, isang extinct blue parrot na nakilala sa animation movie na “Rio,” sa Brazil mula sa pagkakahuli nito sa Europe, sabi ng isang opisyal noong Sabado.

Kahapon pinirmahan ni Brazilian Environment Minister Edson Duarte ang isang agreement sa pagitan ng Belgium at Germany para sa pagpapauwi ng mga ibon sa first quarter ng susunod na taon.

Ang Spix’s macaw ay nagmula sa north-east Brazil at kinokonsiderang extinct sa wild kung saan iilan nalang ang nahuhuli. Ang ibong ito ay mayroong iba’t ibang shades ng blue.

Huli raw itong nakita sa wild noong 1990 ayon sa Association for the Conservation of Threatened Parrots (ACTP), kung saan ka-partner nila ang Brazilian government sa proyektong paramihin ang species ng ibon.

Ang kamakailang batch ng mga survivors na pauuwiin galing Europe ay ilalagay muna sa isang special center na magbubukas sa Berlin sa Huwebes kung saan doon ihahanda ang mga ibon para sa transition.

Ililipat sila sa 72-acre reintroduction center sa isang conservation area sa north-eastern state of Bahia, Brazil at pinaplanong pakawalan sa wild ang isa sa mga ito sa 2021.

Ayon sa environment ministry ng Brazil, ang breeding program para sa mga ibon na nahuli ay tumaas mula 79 noong 2012 na naging 158 na ngayong taon.

Ang pagkasira ng mga tahanan ng ibon at ang panghuhuli at pagbebenta sa mga ito ang itinutrurong dahilan ng muntikang pagkaubos ng nasabing parrot.

Ang sitwasyon na ito ng Spix macaw ang pinagkuhanan ng kuwento ng sikat na 3D movie na “Rio,” noong 2011. (Remate News Team)