Halos 50% ng mga Pinoy, tinarget ng web threats

Halos 50% ng mga Pinoy, tinarget ng web threats

March 16, 2023 @ 2:05 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa ulat ng Kaspersky Security Network na 49.8% ng mga Filipino users ang naging target na ng web threats noong 2022.

Ikalawa ito sa may pinakamaraming banta sa digital platform sa buong mundo, sa nakalipas na taon.

Sa listahan ng may pinakamaraming web threats noong 2022, nanguna ang Mongolia sa 51.1%, habang sinundan naman ng Ukraine ang Pilipinas sa 49.6%, Greece sa 49.5% at Belarus sa 49.1%.

Ayon sa Kasperksy, karamihan sa cyber attacks na sinalag ng mga cybersecurity firm sa mga device ng Filipino customers ay ‘worms’ at ‘file viruses.’

Ang computer worm ay isang uri ng malicious software (malware) na dumadami upang kumalat sa pamamagitan ng network, habang ang file virus naman ay isang uri rin ng malware na nakaaapekto sa mga files katulad ng mga application.

ā€œI would always insist for any business that’s new, or qualifies as a small and medium enterprise, to have basic protection from the get-go,ā€ sinabi ni Chris Connell, managing director para sa Asia Pacific ng Kaspersky.

ā€œAs you expand, spending on the business and security should be in lockstep. It’s pointless to build a business that is not protected because once you’re compromised, it is costly to repair the damage,ā€ dagdag niya.

Nagbabala din ang Kaspersky laban sa mga cybercriminals na umaatake sa network systems sa pamamagitan ng web browsers sa anyo ng drive-by downloads at social engineering.

ā€œIn the Philippines, businesses continue to flourish despite the challenges. We have seen how adversity, such as the pandemic, hastened the digital transformation among local businesses and customers alike,ā€ pagbabahagi pa ni Connell.

ā€œAs the country moves toward sustaining its recovery, I hope Filipino businesses will be as aggressive in protecting their devices and their data as cybercriminals are persistent in preying on them,ā€ dagdag niya.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang Kaspersky ng mahigit 304,000 ransomware attacks target ang mga negosyo sa rehiyon, kung saan 21,000 sa mga ito ang nasa Pilipinas. RNT/JGC