Halos 50% ng senior citizen sa Pinas, nagtatrabaho pa rin – POPCOM

Halos 50% ng senior citizen sa Pinas, nagtatrabaho pa rin – POPCOM

October 7, 2022 @ 7:39 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Halos kalahating porsyento pa rin ng mga Filipino senior citizen ang nagtatrabaho dahil sa kahirapan ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM) at ng isang research institute.

Sa datos na inilabas ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) nitong Miyerkules, Oktubre 5, lumabas na 9.2 milyon Pinoy edad 60-anyos at pataas o 46% ang naghahanap-buhay pa rin upang kumita ng pantustos sa araw-araw.

“Almost half the number of older persons are still working and unable to make ends meet for their daily living; more so, for their health needs,” ani dating POPCOM executive director Juan Antonio Perez III.

Sa 5,985 mga senior na natanong ng UPPI, 57% ang nagsabing nakararanas sila ng kahirapan na matugunan ang mga gastusin sa bahay samantala 14% ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Dagdag pa rito, mayroon 30% ng mga nakatatandang Filipino ang nagsabing sila ay “somewhat unhealthy” o “very unhealthy” at 86% ang nagsabing hindi na sila nakakapagpasuri sa doktor dahil walang pera.

Sa kabila ng mga datos na ito, nananatiling mataas naman ang economic dependence ng mga senior citizen ay 30% lamang ang nagsabi na sa kanilang mga anak pa rin nanggagaling ang pang-sustento nila sa araw-araw. RNT/JGC