Halos 500 Immigration Officers, binalasa

Halos 500 Immigration Officers, binalasa

July 28, 2018 @ 4:38 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Higit-kumulang 500 immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inilipat ng bagong assignment bilang bahagi pa rin ng patuloy na programa ng ahensya na maiwas sa korapsyon ang mga tauhan nito gayundin upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa publiko.

Ayon sa isinumitng ulat ni BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nasa 481 personnel ang nailipat ng bagong assignment sa Terminal 1,2 at 3  ng NAIA .

Matatandan na Nobyembre ng nakaraang taon nang ipatupad ang kahalintulad na balasahan o pagpapalit ng puwesto sa mga airport personel ng bureau.

“There were no exemptions from the personnel movement, and we rotated not just terminals, but also shift schedules.The  rotation was to “prevent fraternization among employees,” anang opisyal.

Dagdag pa ni Mariñas na ang paglipat sa mga empleyado sa ibang trabaho ay upang mas mapabuti ang kanilang pagiging produktibo sa bureau na kanilang kinabibilangan.

“After five or six months we will again rotate their terminal assignments at the airport.  This is a continuing activity that we do not intend to stop or scrap,” dagdag pa ni Mariñas.

Samantala, sinabi naman ni Morente na marami pang immigration personnel ang kanilang kakailanganin sa susunod na mga linggo bilang karagdagan umano sa 100 personnel  na tinanggap at na-deploy na sa NAIA. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)