Halos 500 PDLs, palalayain sa Lunes

Halos 500 PDLs, palalayain sa Lunes

December 15, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Aabot sa 500 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang malakalaya sa Lunes, December 19, 2022.

Ayon kay Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta, naisumite na nila kay BuCor Direcor General Gregorio Catapang ang listahan ng mga maari nang makalaya.

Ito ang mga nakapagsilbi na ng sentensya, overdue na sa kulungan, nakitaan ng good conduct time allowance at iba pa.

Ang mga mapapalaya ay mula Correctional Institute for Women, at mga penal colony sa Davao, Zamboanga, Sablayan at iba pa.

Tiniyak ni Acosta na makakalaya na rin ang mga may sakit, matatanda, at ina na may maliliit na anak. Teresa Tavares