Halos 500K healthcare workers nakatanggap ng SRAs- DOH exec

Halos 500K healthcare workers nakatanggap ng SRAs- DOH exec

January 18, 2022 @ 4:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Halos kalahating milyong healthcare workers ang nakatanggap na ng kanilang special risk allowances (SRA) sa gitna ng pandemya, ayon sa opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

“For SRA ho, for December 20 (2020) to June 30, 2021, we were able to provide 496,314 healthcare workers amounting to around P8 billion po,” sabi ni DOH Assistant Secretary Maylene Beltran sa congressional hearing.

Ayon pa kay Beltran, ang datos ay hanggang noong Enero 14,

Batay sa presentasyon ni Beltran, may karagdagang request umano ang DOH na mahigit P3 bilyong magsisilbing SRAs ng 184,799 pang healthcare workers. RNT/SA