Halos 60, patay sa lumubog na bangka sa Italya

Halos 60, patay sa lumubog na bangka sa Italya

February 27, 2023 @ 8:52 AM 4 weeks ago


ROME — Hindi bababa sa 59 migrants, kabilang ang isang sanggol ang nasawi matapos mag-overload ng kanilang bangka nitong Linggo, sa karagatan ng Calabria region sa Italy, ayon sa mga opisyal.

“As of a few minutes ago, the number of confirmed victims was 59,” pahayag ni Vincenzo Voce, mayor ng coastal city ng Crotone, nitong Linggo ng hapon.

Nauna nang iniulat ng coastguard service na “43 bodies” ang natgpuan at “80 people recovered alive, including some who managed to reach the shore after the sinking.”

Nawasak ang overloaded vessel sa hagupit na alon sa Crotone noong madaling araw, ayon sa Italian media.

Ayon sa AGI news agency, batay sa isang rescue worker, kabilang sa mga biktima ang isang sanggol na ilang buwan pa lamang.

Sinabi ni rescue workers na sakay ng vessel ang “more than 200 people.”

“Dozens and dozens of people drowned, including children. Lots missing. Calabria is in mourning after this terrible tragedy,” pahayag ni regional governor Roberto Occhiuto.

Ipinangako ni Prime Minister Giorgia Meloni, pinuno ng post-fascist Brothers of Italy party, na pipigilan ang mga migrant sa Italian shores.

“The government is committed to preventing [migrant boat] departures and, with them, this type of tragedy,” pahayag niya nitong Linggo.

Sinabi naman ni President Sergio Mattarella: “A large number of these migrants came from Afghanistan and Iran, fleeing very harsh conditions.”

Hinikayat niya ang international community “to make a strong commitment to eradicate the causes of these migrations—wars, persecution, terrorism, poverty.” RNT/SA