Halos 600 pamilya sa Cagayan inilikas sa hagupit ni #FloritaPh

Halos 600 pamilya sa Cagayan inilikas sa hagupit ni #FloritaPh

August 24, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 589 pamilya o 2,095 indibidwal ang apektado ng Severe Tropical Storm Florita sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa ulat, sinabi ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nananatili ang mga apektadong pamilya mula sa 15 bayan sa evacuation centers.

Naranasan sa Cagayan ang malakas na ulan at hangin dahil sa bagyong Florita nitong Martes, bandang ala-1 ng hapon.

Nagdulot ito ng pagbaha at pagkapinsala ng mga tahanan at pananim sa ilang lugar sa lalawigan.

Agad namang tumugon ang mga awtoridad sa sakuna at nagkasa ng clearing ng debris mula sa mga kalsada.

Sinabi ng PDRRMO na halos 50 barangay ang nakarans ng pagbaha.

Sa kasalukuyan, madaraanan pa ang mga kalsada sa probinsya maliban sa Santiago Bridge sa bayan ng Iguig.

Batay pa sa datos, dalawang indibidwal na ang sugatan dahil kay Florita. RNT/SA