Halos 6M ibon pinatay sa Netherlands vs bird flu

Halos 6M ibon pinatay sa Netherlands vs bird flu

October 21, 2022 @ 7:10 AM 2 months ago


NETHERLANDS – Nakatakdang patayin ng bansang ito ang nasa 300,000 pang  manok sa isang sakahan sa bandang katimugan, ayon sa gobyerno.

Ito ay para mapigilan ang pagkalat ng bird flu kung saan umigit-kumulang 30 kaso ng avian flu ang naiulat na sa Netherlands simula noong unang bahagi ng Setyembre.

Halos 6 na milyong mga ibon na ang na-culled sa bansang ito mula noong unang natukoy ang bagong variant ng sakit noong Oktubre 26 noong nakaraang taon, ayon sa Dutch food safety authority noong Huwebes. RNT