Halos 7K immunocompromised naturukan na ng 2nd COVID-19 vax booster

Halos 7K immunocompromised naturukan na ng 2nd COVID-19 vax booster

April 30, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naiulat ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nitong Sabado ang kabuuang 6,702 immunocompromised individuals na naturukan ng ikalawang COVID-19 booster shot sa nang linggo ng programa ng pamahalaan.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NVOC chairperson and Health Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje na wala pa silang datos sa non-immunocompromised individuals na nabakunahan ng ikalawang booster.

Ayon kay Cabotaje, sa kasalukuyan ay mayroon nang 67.8 milyong fully-vaccinated individuals sa bansa sa pagdating ng 146.7 milyong kabuuang jabs.

“We have enough boosters for the second booster. Individuals who received their first booster could be given a second booster. The rollout of the first booster was quite slow,” aniya.

“We will have a sufficient supply for those willing to have their second booster if it will be opened up to other age groups,” dagdag ni Cabotaje.

Ayon pa kay Cabotaje, pag-aaralan ng NVOC kung magtatalaga ng vaccination sites sa mga presinto sa araw ng eleksyon.

Nagsimulang magturok ng pamahalaan ng ikalawang COVID-19 booster shots para sa immunocompromised nitong Lunes. RNT/SA