Halos 7M na edad 12-17 fully vaxxed na

Halos 7M na edad 12-17 fully vaxxed na

January 18, 2022 @ 6:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Halos pitong milyon na ang nababakunahang minors laban sa coronavirus disease (COVID-19), mula 12 hanggang 17 taon.

“Sa assessment po namin na kung magtuloy-tuloy po ang output natin, kaya po nating matapos ang pagbabakuna ng kabataang edad 12 hanggang 17 anyos by end of March at makapagsimula po ng boosters by April kapag pinayagan na po tayo ng mga expert,” pahayag ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Lunes ng gabi.

Target din ng gobyerno na mabakunahan ang halos 15.5 milyon na edad lima hanggang 11.

Ani Galvez, inaasahang darating sa bansa ang  halos 780,000 lower-dosed Pfizer vaccines para sa pinakamababang age group sa kasalukuyan, sa pagtatapos ng Enero, na susundan ng 1,632,000 doses sa Pebrero.

Nag-order na rin ang gobyerno ng 10 hanggang 15 milyong doses para sa second doses ng 5-11 age group.

“Other orders will be in tranches considering this is a different formulation intended for the age group 11 years and below. Puwede po natin pong gamitin ‘to sa zero to four years old,” ani Galvez. RNT/SA