Halos 80K balota, iiimprenta para sa BSKE sa Marawi City

Halos 80K balota, iiimprenta para sa BSKE sa Marawi City

August 4, 2018 @ 11:39 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Mag-iimprenta ng 79,289 balota ang Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nakatakdang iimprenta ang mga balota sa August 27 hanggang September 1 dahil ang halalan ay gaganapin na sa September 22.

Ang balotang gagamitin pambarangay ay 53,009 habang para sa SK naman ay 26,280.

Samantala, inanunsiyo na rin ng Comelec na sa August 23 na magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Nauna na ring inanunsyo ang election period na magsisimula sa Aug. 17 hanggang Sept. 29 at ang campaign period sa Sept. 12 hanggang 20. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)