Halos 85% ng COVID-19 patients sa mga ospital, ‘di bakunado- Vergeire

Halos 85% ng COVID-19 patients sa mga ospital, ‘di bakunado- Vergeire

January 11, 2022 @ 6:30 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Mahigit 80 porsyento ng mga nao-ospital na coronavirus disease (COVID-19) patients  ang hindi bakunado laban sa virus, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes.

Hanggang Disyembre 28, 2021, inilahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na halos 85 porsyento ng mga pasyente na ina-admit sa mga ospital ang hindi bakunado.

“So sa ngayon po, base sa aming datos ng Department of Health, we found that based on the hospital data… almost 85% of those admitted are not vaccinated,” pahayag ni Vergeire sa isang media briefing.

Samantala, halos 93 porsyento naman ng mga tinatamaan ng COVID-19 ang partially vaccinated o hindi pa bakunado.

Paglilinaw ni Vergeire, isinasapinal pa nila ang naturang datos. RNT/SA