Halos 90% ng mga tirahan sa Sierra Madre, napuruhan – MDRRMO

Halos 90% ng mga tirahan sa Sierra Madre, napuruhan – MDRRMO

September 26, 2022 @ 3:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Napuruhan ng bagyong Karding ang ilang mga paaralan at tirahan na nakapwesto sa paanan ng Sierra Madre na sakop ng bayan ng General Nakar, Quezon.

Ayon kay Erberto Astrera, opisyal ng disaster risk reduction and management office sa General Nakar, terible ang sinapit ng kanilang bayan.

“The damage in the village is more than 85 to 90 percent. Halos walang yero na ang bubong ng elementary school. Maraming bahay ang nawalan ng bubong dahil sa lakas ng hangin,” ani Astrera ngayong Lunes, Setyembre 26.

Sa datos, mayroong 5,925 residente ang naturang bayan na binubuo ng 1,470 pamilya kabilang na ang mga nasa indigenous community.

Sisikapin naman ng lokal na pamahalaan na maibigay ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente. RNT/JGC