Halos kalahati ng 1.2M PH healthcare workers, naturukan na ng 2nd COVID booster – DOH

Halos kalahati ng 1.2M PH healthcare workers, naturukan na ng 2nd COVID booster – DOH

December 19, 2022 @ 5:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos kalahati ng 1.2 milyong healthcare workers ay hindi pa nkakatanggap ng kanilang second booster ng COVID-19 vaccine ayon sa Department of Health (DOH).

Noong Disyembre 12, humigit-kumulang 603,905 na indibidwal sa ilalim ng A1 population o mga manggagawa sa frontline health services ang naka-avail ng pangalawang boosters.

Ayon sa DOH, mula sa 1,196,107 eligible A1 population, 592,202 ang kasalukuyang nakatakda para sa 2nd boosters doses.

Ang pinakahuling bilang ng DOH ay nagpapakita na ang bansa ay nagbigay ng pangalawang boosters sa 3,691,412 karapat-dapat na Pilipino.

Ang pangalawang COVUD-19 booster shot ay hindi inirekomenda para sa general population.

Mula nang simulan ng Pilipinas ang vaccination drive noong Marso 2921, nasa 73.7 milyong indibidwal o 94.38 percent na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 21 milyon o 26.95 percent ang nakatanggap ng kanilang first boosters.

Ang DOH ay nagsagawa na ng 4 na special inoculation drive para mas maraming Pilipino ang mabakunahan.

Mula noong Disyembre 18, ang Pilipinas ay mayroong 17,900 aktibong kaso ng COVID-19.

Noong unang bahagi ng buwan, ibinunyag ng DOH na umabot na sa 44 milyon ang bilang ng mga nasayang na COVID-19 shots sa bansa.

Ang bulto ng mga dosis na ito ay nagmula sa mga yunit ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor, idinagdag nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden