Halos kalahati ng mga Pinoy, kumpiyansa sa paglago ng PH economy sa sunod na 12 buwan – sarbey

Halos kalahati ng mga Pinoy, kumpiyansa sa paglago ng PH economy sa sunod na 12 buwan – sarbey

March 10, 2023 @ 10:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 50 porsyento ng Filipino adults ang umaasa na bubuti ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 2022.

Sa nationwide survey mula Dec. 10 hanggang 14, 2022, napag-alamann ng SWS na 48 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabi na umaasa silang bubuti ang ekonomiya ng bansa, 33 porsyento ang nagsabing hindi ito magbabago, habang 9 porsyento ang nagsabing lalala ito.

Ginamit ng SWS ang terminong “optimists” para sa mga naniniwalang lalago ang ekonomiya, “neutral” para sa mga nagsabing hindi ito magbabago at “pessimists” para sa mga nagsabing lalala pa ito.

Naitala ang resulting net economic optimism score (percentage of economic optimists minus percentage of economic pessimists) na +40, na tinukoy ng SWS bilang “excellent.”

Base sa SWS, ang pinakabagong net economic optimism score ay mas mababa ng isang puntos sa “excellent” +41 noong October 2022.

“It has been at excellent levels since December 2021, ranging from +40 to +50. It used to be mediocre -9 in July 2020, mediocre -5 in September 2020, and high +24 in November 2020, during the first year of the Covid-19 pandemic,” pahayag ng SWS.

“As of December 2022, net economic optimism is highest in Metro Manila (+47), followed by Mindanao (+45), Balance Luzon (or Luzon outside Metro Manila) (+40), and the Visayas (+27),” dagdag ito.

“It is higher among those who either graduated from college or took post-graduate studies (or college graduates) (+51) than those who either finished junior high school, had some vocational schooling, had some senior high school, finished senior high school, completed vocational school, or attended some college (or junior high school graduates) (+40), those who either had no formal education or some elementary education (or non-elementary graduates) (+37), and those who either finished elementary or had some high school education (or elementary graduates) (+35),” anito.

Isinagawa ang 4th Quarter 2022 SWS survey mula Dec. 10 hanggang 14 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults, 18-anyos pataas, sa buong bansa.

Mayroon itong sampling error margins na +/-2.8 percent para sa national percentages at +/-5.7 percent para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/SA