Halos P1.2M ukay-ukay nasabat ng PCG, BOC

Halos P1.2M ukay-ukay nasabat ng PCG, BOC

December 8, 2022 @ 2:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Aabot sa halos P1.2 milyong halaga ng mga hindi dokumentadong gamit na damit o ukay-ukay ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BOC) sa Matnog Port sa Sorsogon nitong Disyembre 6.

Ayon sa PCG, nakita ang 41 bundle ng mga damit pang-ukay-ukay sa loob ng
isang puting pampasaherong van.

Agad na kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653.

Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng BOC ang naturang sasakyan para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden