Halos P17.5M droga kumpiskado, 48 arestado ng NPD sa huling linggo ng 2022

Halos P17.5M droga kumpiskado, 48 arestado ng NPD sa huling linggo ng 2022

January 2, 2023 @ 12:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos P 17.5-milyong halaga ng droga ang nakumpiska ng Northern Police District (NPD) sa huling linggo ng 2022, habang 48 naman ang dinakip dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Umabot sa P17,408,783.20 ang kumpiskadong droga sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela nitong Disyembre 25 hanggang 31 ng nagdaaang taon, habang P13,852 naman ang halagang nakumpiska sa iligal na sugal at 77 ang inaresto.

Maliban dito, isang top most wanted person, anim na most wanted person, at 14 na iba pang wanted person ang sinakote.

Dinampot din ang 1,846 na lumabag sa mga city ordinances. Dito, 168 ang umiinom ng alak, 303 ang naninigarilyo, at 90 naman ang nakahubad, sa pampublikong lugar, at 15 naman ang lumabag sa curfew at 1,270 sa iba pang ordinansa. Merly Iral