Halos P3 taas-presyo sa diesel, kerosene kasado sa Martes

Halos P3 taas-presyo sa diesel, kerosene kasado sa Martes

August 22, 2022 @ 12:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mistulang bumawi ang mga kompanya ng langis sa bansa sa ipinatupad nilang pitong linggong magkakasunod na oil price rollback dahil naglabas sila ng abiso na simula bukas, Martes, ay epektibo na ang malakihang dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P2.60 sa kada litro ng diesel at P2.80 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

May oil price rollback din sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na dagdag presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes