Hamon ni Bello sa kilalang broadcaster: See you in court!

Hamon ni Bello sa kilalang broadcaster: See you in court!

July 25, 2018 @ 5:14 PM 5 years ago


Manila, Phillipines – “I will see you in court!”

Ito ang naging hamon ni Departmenr of Labor and Employment (DOLE)  Secretary Silvestre Bello III sa mga naninira sa kanya.

Sa ginanap na press conferemce sa tanggapan ng DOLE, tahasang hinamon ni Bello ang ilang mga naninira sa kanya na magsampa ng kaso sa korte kung may mga ebidensya silang maipriprisinta.

“I will step down” , ito pa ang hamon ni Bello kung mapatunayan aniyang siya ay tumanggap ng bribe money sa kahit kanino.

Binatikos din ng kalihim ang umanoy mistulang pagiging abogado ng isang kilalang broadcaster ng isang tv network dahil sa aniya’y ginagawang ‘trial in publicity’ ang alegasyon laban sa kanya.

Nilinaw din ni Bello na ang ibinabato sa kanyang akusasyon na nangikil o tumanggap ito ng milyon-milyon mula sa MML Recruitment Agency.

Partikular na tinukoy ni Bello si Amanda Araneta na may-ari ng naturang recruitment agency na may kaso umano sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Aniya, pinag-aaralan pa  niyang sampahan ng kaso ang mga naninira sa kanya kabilang si Arnold Clavio dahil sa palagiang nitong pagbanat sa kanyang programa.

Pinuna rin ni  Bello kung bakit lumapit si Araneta sa Presidential Anti Corruption Commission (PACC) at kay Clavio at hindi sa Department of Justice (DOJ) nagreklamo.

Samantala, nang tanongin naman ito  kong ano ang reaksyon sa pagdiskwalipika sa kanya ng Judicial Bar Council (JBC)  para sa pagpili ng nominado para sa pagka-Ombudsman ay sinabi nitong hindi naman niya kinukwestyon  ang JBC ngunit aniya “unfair” dahil isinalang pa ito sa interview gayung ididiskwalipika rin siya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)