Hamon ni Risa kay Marcos: WPS ipaglaban sa pagbisita kay Xi Jinping

Hamon ni Risa kay Marcos: WPS ipaglaban sa pagbisita kay Xi Jinping

December 21, 2022 @ 2:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinamon ni Senador Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tuparin ang pangakong “ipaglalaban ang bawat pulgada ng ating teritoryo” sa unang State of the Nation Address (SONA) sa kanyang pagbisita kay Xi JinPing sa Enero.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na linawin ni Marcos kay Xi Jinping na hindi ipamimigay ang anumang bahagi ng ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) na kinakamkam ng China ang ilang bahagi nito kabilang ang Spratlys Islands.

“I would want for President Marcos to make it clear to President Xi Jinping what he had committed during his SONA: not to give up a square inch of Philippine territory,” ayon kay Hontiveros.

“I expect nothing less than a firm assertion of our sovereign and legal rights in the West Philippine Sea. Everything that is to be discussed should be in the context of China’s incessant incursions in our territories; therefore, every prospective deal or engagement should be premised upon China’s recognition of the Philippine’s rightful ownership of the WPS,” dagdag niya.

Ayon kay Hontiveros na habang iginigiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa ating teritoryo, dapat palakasin din ng gobyerno ang bilateral economic at trade cooperation sa China.

“Government must always be reminded, however, that economic gains from our relationship with China should not supersede our duty to protect our sovereignty and uphold our national interest,” ani Hontiveros.

Iginiit pa ni Hontiveros na kung magkaroon ng posibilidad ang joint exploration sa China sa WPS dapat kilalanin at respetuhin ngChina ang 2016 The Hague ruling hinggil dito.

“Only then could both parties start to truthfully and faithfully discuss a joint exploration,” giit ni Hontiveros.

Inilala ng mambabatas na nanawagan din siya sa nakaraang administrasyon na tumindig si dating Pangulong Duterte laban sa pangangamkam ng China na lubhang magpapataas ng tensiyon sa lugar kaya’t nangambala ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Ikinatuwa din ni Hontiveros ang pagtindig ng mayoryang miyembro ng 19th Congress sa pagsuporta sa resolusyon na komokondena sa patuloy na intimidasyon, pagbabanta at harassment ng Chinese vessels sa tauhan ng Pilipinas. Ernie Reyes