Hamon sa service sector sa rehiyon, tugunan – PBBM sa APEC leaders

Hamon sa service sector sa rehiyon, tugunan – PBBM sa APEC leaders

November 20, 2022 @ 9:18 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) member economies na tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng  service sector ng rehiyon partikular na ang shipping at logistic services.

Ito kasi ani Pangulong Marcos ang nagsisilbing ‘backbone’ ng global trade at investment.

Sa naging interbensyon ng Pangulo sa APEC Leader’s Speech and Formal Dialogue,  umapela ang Chief Executive na tuldukan na ang diskriminasyon laban sa mga produkto na nagmula sa mga maliliit na negosyo.

Nanawagan din ang Pangulo sa  mga APEC leaders na tugunan ang climate change, sabay sabing ito ang matinding banta na nakaaapekto sa rehiyon.

“APEC has done remarkable work in embedding a sustainability agenda as part of its Vision and Action Plan. We should act swiftly to set it in motion,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging interbensyon sa  APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) Retreat Session II.

Aniya, dapat lamang na makibahagi ang regional economic bloc sa trade at investment environment na tutulong sa mga bansa na magbawasa sa greenhouse gas emissions, sumuporta sa climate financing at siguruhin na epektibo ang pagbabahagi ng teknolohiya sa mga most vulnerable developing countries.

“We need to take concrete steps towards modern and resilient agriculture. Food is not just a trade commodity, it is not a livelihood; it is a survival imperative, it is a moral imperative. It is the very basis of human security,” ayon sa Pangulo.

“To attain food self-sufficiency and security, we are providing innovative solutions and financial support to farmers and fisherfolk to adopt new technologies and connect to national and global value supply chains,” dagdag na wika nito.

Samantala, maingat namang sinusuri ng Pilipinas ang pagpapataw ng excise tax sa single-use plastics kontra plastic pollution pabor sa mas maraming alternatibo. Kris Jose