Hands are shaking: Pornhub Premium libreng maa-access

Hands are shaking: Pornhub Premium libreng maa-access

March 25, 2020 @ 5:31 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Kabilang na rin ang Pornhub na dumaraming bilang ng mga online content providers na nag-aalok ng libreng access sa kanilang content sa gitna ng coronavirus outbreak.

 

Magbibigay ng libreng access ang site sa kanilang membership service na Pornhub Premium, sa buong mundo sa loob ng 30 araw kung saan hanggang Abril 23 magiging bukas ang offer nito, ayon sa anunsyo ng kumpanya nitong Martes, Marso 24.

 

Karaniwang nagkakahalaga ng $9.99 kada buwan ang membership, kasama ang premium subscription eliminating ads, pagbibigay ng full movies at full HD viewing. Maaaring ma-access ang libreng offer sa pornhub.com/stayathome.

 

Nagmula ang anunsyo sa gitna ng pahayag ng ilang video platforms na babawasan nila ang kanilang streaming quality sa Europa, kung saan naka-default na rin sa standard definition worldwide ang YouTube.

 

Naiulat na rin ng Facebook ang pagtaas sa paggamit ng kanilang site. Sa Pilipinas, sinabi ng PLDT na nakita nila ang 15 hanggang 20 porsyentong pagtaas sa data traffic habang umiiral ang enhanced community quarantine.

 

Ilang kumpanya na rin kagaya ng anime studio na Toei, e-books at audiobooks platforms Scribd at Audible ang nagbigay ng libreng access sa kanilang content.

 

Kasunod ito ng naunang anunsyo ng pagiging libre ng PornHub Premium sa Italy.

 

Sa kaparehong press release, sinabi rin ng Pornhub na magbibigay sila ng libo-libong surgical masks sa New York at 50,000 euros sa European organizations para sa pagbili ng masks at medical equipment.

 

Magbibigay din ng karagdagang $25,000 ang kumpanya sa Sex Workers Outreach Project (SWOP), isang US-based non-profit na may adbokasiya ukol sa mahahalagang karapatang pantao ng mga sex workers. Mapupunta ang mga pondo sa sex worker relief funds sa SWOP-USA network “to meet immediate requests for support from sex workers impacted by COVID-19.”

 

“With nearly one billion people in lockdown across the world because of the coronavirus pandemic, it’s important that we lend a hand and provide them with an enjoyable way to pass the time. We hope by expanding our offer of free Pornhub Premium worldwide, people have an extra incentive to stay home and flatten the curve,” giit ni Pornhub vice president Corey Price. Remate News Team/MM

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...