Hanggang 21M target bakunahan ng DOH sa special week; 17,145 bagong COVID cases naitala!

Hanggang 21M target bakunahan ng DOH sa special week; 17,145 bagong COVID cases naitala!

September 5, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Health (DOH) na magbigay ng COVID-19 shots sa pagitan ng lima hanggang 21 milyong indibidwal sa panahon ng “special week” na pagbabakuna nito sa Setyembre 26 hanggang 30.

Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na target ang mga lugar na may mababa pa rin ang pagbabakuna.

Umaasa naman si Vergeire maabot ang target na ito kung magkakaroon ng masinsinan pagsisikap sa panahon ng kampanya.

Inilunsad ng gobyerno ang kanilang “PinasLakas” na booster drive noong Hulyo, na naglalayong magbigay ng mga pangunahing dosis sa 90% ng target na populasyon ng matatanda at inoculate ang hindi bababa sa 50% ng target na populasyon ng unang booster dose.

Simula noon, humigit-kumulang 2.2 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot, malayo pa rin sa 23 milyong target sa unang bahagi ng Oktubre.

Samantala, mahigit 26,000 senior citizens ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 shot, malayo rin sa target na 1.07 milyon.

Sinabi ni Vergeire na ang espesyal na programa ng pagbabakuna ay gagawin nang sabay-sabay sa buong county.

Nakikipag-ugnayan na ang departamento sa mga regional offices, local government units, at iba pang pambansang ahensya para sa pagpapatupad nito, dagdag niya.

Samantala, nasa 17,145 na bagong kaso ang naitala sa bans mula Agosto 29 hanggang Setyembre 4.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,449, mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto 22 hanggang 28.

Sa mga bagong kaso, 40 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Mayroon namang naitalang 354 na pumanaw kung saan 108 ay naganap noong Hulyo Agosto 22 hanggang Setyembre 4

Noong ika-4 ng Setyembre 2022, mayroong 768 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.

Sa 2,551 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 595 (23.5%) ang okupado. Samantala, 29.3% ng 20,387 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 72 milyong indibidwal o 92.98% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 18 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.14% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series. Jocelyn Tabangcura-Domenden