HANGGANG KAILAN MAGSASAMANTALA 

HANGGANG KAILAN MAGSASAMANTALA 

February 15, 2023 @ 12:36 PM 1 month ago


MASAYA ang ilang mga kababayang negosyante na pagsamantalahan ang kanilang kapwa Pinoy sa mga panahong mataas ang demand. 

Hindi sa panahon ng Valentine’s Day ay dapat itaas ang presyo ng mga bagay na may kaugnayan sa araw ng mga puso. 

Isang halimbawa ang roses at iba pang klase ng bulaklak at maging ang stuff toys at chocolate ay sobra-sobra ang itinaas. 

Huwag na sa Dangwa kung saan napakataas ng presyo ng mga bulaklak ang ihalimbawa natin. 

Divisoria na lang ang tingnan natin. Hindi naman itinataas ng mga Intsik ang presyo ng paninda nila tulad ng mga nakatambak lang sa mga bodega nila kapag hindi napaoanahon, pero natuto na ang mga ito dahil na rin sa turo ng mga Pilipino. 

Magtataas ng sentimo ang Chinese businessmen, piso naman ang itaas ng mga negosyanteng Pinoy. 

Sobra-sobra ang patong na ginagawa kaya naman sa pasa-pasa ay umaabot hanggang langit ang presyo. 

Sana lang, tigilan na ng mga negosyanteng hilaw ang pagsasamantala sa mga panindang may panahon ang bentahan dahil pangkaraniwang tao naman ang tinatamaan.