HANGGANG SA SUSUNOD NA SURGE

HANGGANG SA SUSUNOD NA SURGE

February 10, 2022 @ 10:01 AM 8 months ago


ILANG buwan bago ang pina­kahuling paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isa ako sa mga kumontra sa Bloomberg sa pagtukoy nito sa Pilipinas bilang kulelat sa listahan ng mga bansang nakikipaglaban sa pandemya.

Consistent tayo sa pangungulelat sa assessment nito kahit ano pang aktuwal na sitwasyon ng pagtataas-baba ng mga naitatala nating bilang ng apektado ng COVID-19. Na para bang awto­matikong sumesenyas ng pula ang indicator lights nito kapag sinusukat na ang kakayahan ng ating bansa sa pagtugon sa pandemya at pagbangon ng ating ekono­miya mula rito.

At ito ang dahilan kung bakit. Binigyang-diin ng Bloomberg na kailangan ng Pilipinas na mapababa ang positivity rate nito, paramihin ang binabakunahan, pasiglahin ang delivery ng boosters, at bawasan ang pagpapatupad ng mga lockdowns. Ang problema, sa totoo lang, ay ang malam­yang sistema ng ating sistemang pangkalusugan.

Sasabihin lang ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi natin magagawa ang sapat na testing upang matukoy ang sakit bago pa man ito makahawa.

Sa gitna naman ng kanyang panghihikayat, kukumpirmahin ni Vaccine Czar Carlito Galvez na hindi pa natatamo ang bilang ng puntirya nating bakunahan para sa taong 2021.

At dahil ang panguna­hing formula laban sa hawahan ng COVID-19 ay nakasalalay sa pagbabakuna at tes­ting, lagi nang nahuhuli kaya wala nang silbi ang ating pag-aksyon.

Ngayong sinimulan na rin nating bakunahan ang mga edad lima hanggang 11, para bang isinuko na natin ang maraming mas may edad na tumatangging magpabakuna, gayundin ang kampanyang kukumbinse sa milyon-mil­yong iba pang ayaw maniwala na hindi tutuldukan at sa halip ay isasalba ng bakuna ang kanilang mga buhay.

Samantala, problemado na ang gobyerno sa sadlak nating ekonomiya kaya nais na nitong apurahin ang pag¬≠de¬≠deklara sa ilang lugar sa bansa, partikular na ang Metro Manila, bilang ‚Äúlow risk‚ÄĚ areas sa susunod na dalawang linggo, kahit pa libo-libo pa rin ang naitatalang bagong nahawahan habang isinusulat ang kolum na ito.

Nagbabala naman si Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert sa San La¬≠zaro Hospital, na hindi tayo dapat na nagmamadali. Aniya, ‚Äúmasyado pang maaga‚ÄĚ at ‚Äúsobrang delikado‚ÄĚ para ikonsidera ang paglilipat sa Alert Level 1. Nagpaalala naman si OCTA Research fellow Guido David na ang Metro Manila pa rin ang bumubuo ng 15 porsi¬≠yento ng mga bagong naitatalang kaso sa bansa. At binigyang-diin ni dating National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Tony Leachon na ‚Äúang ating sistemang pangkalusugan ang ating weakest link.‚ÄĚ

Sa opisyal na pagsisi­mula ngayong linggo ng panahon ng kampanya para sa mga kandidato sa natio­nal posts, mas malinaw ang peligro sa pagkukumpulan ng mga tao.

Kung mayroon mang consistent sa ating mga kababayan, iyon ay ang kawa­lan ng disiplina sa pagtalima sa mga health at safety protocols kapag nasa pampublikong lugar, lalo na kung nag­hihiyawan ng suporta para sa napipisil nilang kandidato sa pagkapangulo.

Maging ang pagbubukas ng ating bansa sa mga dayuhang bisita para sa pagnenegosyo o paglilibang at pagsuspinde sa mga regulas­yon sa mga bansang nasa Green, Yellow o Red list para tanggapin ang mga bakunadong biyahero nang hindi inoobliga ang mga ito na mag-quarantine ay ipinatu­tupad na para sa pagpapasigla ng pagnenegosyo at turismo, pero napakalaki ng pa­nganib na posibleng idulot nito sa kalusugan ng publiko.

Bagamat desidido ang bansa na agarang ibangon ang ekonomiya nito, mara¬≠ming dapat pagbutihin sa pagtugon ng ating bansa sa COVID-19 ‚Äď partikular sa tes¬≠ting, pagbabakuna, at kapa¬≠sidad sa pangangalagang pangkalusugan ‚Äď upang mapanatili ang ating pagtatagumpay tungo sa tunay na pagbangon. Kaya, hanggang sa susunod na COVID surge na lang siguro.

 *              *              *

¬†SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reak¬≠syon, mag-email sa¬†[email protected]¬†o mag-tweet sa @Side_View.