Hapon tumalon sa condo sa Makati, lasog-lasog

Hapon tumalon sa condo sa Makati, lasog-lasog

September 2, 2022 @ 11:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lasog ang katawan at bungo ng isang Japanese national nang mahulog mula sa roof deck hanggang sa 6th floor ng Beacon Tower sa Arnaiz Avenue kanto ng Chino Roces Ave., Makati City, madaling-araw ng Huwebes.

Nadiskubre dakong 1:20 ng madaling araw ng mga maintenance worker ng Beacon Tower  ang lasog na katawan ng biktimang kinilalang si Takaoka Shigeo, umookupa sa nasabing condo.

Positibong kinilala naman ng sekyu sa condo na doon nga umuupa ang biktima.

Inaaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa pagtalon ni Shigeo, at kung anong opisyal na dahilan ng kanyang kamatayan. Dave Baluyot