Harapang earthquake drill balik na rin-OCD

Harapang earthquake drill balik na rin-OCD

August 25, 2022 @ 3:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagbabalik ng pagsasagawa ng face-to-face activities para sa 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na nakatakda sa Setyembre 8.

Ito ang kauna-unahang physical drill at functional activities simula nang sumipa ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic started noong Marso 2020.

“Matapos ang mga nagdaang online NSED dulot ng pandemya, ngayong third quarter ng taon ay muli ng ibinabalik ang pagsasagawa ng physical drill at functional exercise,” ang pahayag ng OCD sa kanilang Facebook post, MIyerkules ng gabi.

Gayunman, pinaalalahanan ng OCD ang publiko at lahat ng magpapartisipa na patuloy lamang na sumunod sa lahat ng umiiral na minimum health standards upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.

“Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Makati at Ayala Corporation, gaganapin ang ceremonial pressing of the button at functional exercise sa Ayala Property Management Corporation Headquarters. Magsisimula ang programa nang alas otso nang umaga,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose