Harassment, abuse allegations sa PHSA ‘di palalampasin ng DepEd

Harassment, abuse allegations sa PHSA ‘di palalampasin ng DepEd

July 12, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Department of Education (DepEd) nitong Martes na sumangguni ito sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang ulat na emotional, verbal, at sexual abuse allegations sa Philippine High School for Arts (PHSA) sa Los Baños, Laguna. 

“The agency does not tolerate abuses in any form. Under the strong leadership of Secretary Sara Duterte, DepEd will continuously promote a healthy and safe environment for our learners and teachers,” pahayag ng DepEd.

Bukod sa pagtapik sa NBI, sinimulan na rin ng ahensya ang sariling imbestigasyon sa paghingi ng tulong mula sa Child Protection Unit (CPU) at Child Rights in Education Desk (CREDe) upang silipin ang mga ulat hinggil sa Child Protection Policy ng DepEd.

Samantala, hinikayat ng DepEd ang publiko na maghain ng reklamo ukol sa mga nabanggit na pag-abuso sa PHSA sa Committee on Decorum and Investigation ng paaralan para sa akmang akson. RNT/SA