Harlene, na-trauma sa online screening ng pelikula!

Harlene, na-trauma sa online screening ng pelikula!

December 15, 2021 @ 12:14 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Aminado ang producer ng Heaven’s Best production na si Harlene Bautista na hindi niya bet ang pagpapalabas ng pelilula online.

FYI, nu’ng kalagitnaan ng pandemic at isinara ang mga sinehan ay nakakita ng ibang platform ang pelikula sa online.

Kung matatandaan ay sa online din ipinalabas ang mga pelikula last year na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 but sad to say ay hindi ito masyadong kumita.

Ang pelikulang “Huling Ulan sa Tag-araw” ang ay ang latest offering ng Heaven’s Best na pinagbibidahan ng loveteam nina Ken Chan at Rita Daniela. Natapos ang shooting ng nadabing movie nu’ng August 2020 at ang lahat ay namgamgamba dahil sarado pa ang mga sinehan.

“Marami ang nagsasabi sa akin na pumayag na ako na ipalabas ang movie sa online. Perp tumahimik lang ako kasi hindi ko talaga bet ‘yung ganu’n. Alam naman natin lahat kung ano ang naging resulta ng MMFF 2020 na ipinalabas online, ‘di ba?

“So nagdasal lang kami and hoping na soon, maipalabad ito sa big screen.

“Buti na lang, answered prayer ang nangyari dahil nu’ng nag-open ang mga sinehan this year, e, nakapasok ang movie sa MMFF 2021 and naging one of the eight entries.

“Maganda kasi ‘yung movie and sayang naman kung hi di mapapanoof sa big screen. So thank God talaga, sabi pa ni Harlene.

Ang “Huling Ulan sa Tag-araw” ay mapapanood sa December 25, 2021 sa mga sinehan na kasama sa mga entries ng MMFF 2021. JP Ignacio