Harris: Paglaban para sa human rights magsisimula sa pagkilala sa mga paglabag

Harris: Paglaban para sa human rights magsisimula sa pagkilala sa mga paglabag

November 22, 2022 @ 10:53 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni United States Vice President Kamala Harris na ang paglaban sa karapatang-pantao ay nagsisimula sa pagkilala na ang paglabag rito.

Bukod dito, pinaalalahanan naman ni Harris ang mga human rights defenders na manatiling matatag dahil hindi sila nag-iisa sa laban na ito.

Sa isang town hall meeting kasama ang mga human rights defenders at Filipina civil society leaders, sinabi ni Harris na nakausap na niya sa backstage ang nangungunang Filipino human rights activists bago pa ang event kung saan sinabi niya sa mga ito na kailangan na tandaan nila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito sabay sabing “ it takes a lot of endurance to stick with it.”

“Don’t give up. There is so much about the fight for human rights that requires us to remember that we are not alone because it is a very…it requires movements, it requires working against systems that have been designed in many situations to neglect, if not be more affirmative, in overlooking or even attacking human rights,” ani Harris.

“Fighting for human rights means one, obviously starting with a recognition where there are violations for human rights. That means seeing the worst of human behaviors. That means understanding and seeing what suffering looks like, what pain looks like, what unfairness looks like,” dagdag na wika ni Harris.

“It’s important to start from a perspective of knowing, not just believing, that you’re born with rights. You’re born with these rights. You’re not asking someone to do you the favor through the benevolence of their existence to grant you these rights. They are your rights—God-given,” aniya pa rin.

Maliban sa mga ito, tinalakay din ni Harris ang kahalagahan ng labor rights, media freedom, democratic institutions at pagsisikap na labanan ang ‘trafficking in persons.’

Binigyang diin naman ni Harris ang uri ng liderato ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, at iba pang filipinang kababaihan, nagtakda ng magandang standards para sa mga kabataang kababaihan.

Samantala, ang payo naman ni Harris sa mga nagsusulputang lider ay panatilihin ang kanilang “motivation at passion.”

Binigyang diin ni Harris na ang isang lider ay kailangan na “stand on the shoulders of the people who came before you, who have charted the course to do what you are doing as young leaders.”

Binanggit naman ni Harris ang mga pangalan ng tatlong kababaihan gaya nina Aquino, Girl Scout of the Philippines founder Josefa Llanes Escoda, at feminist Concepcion Calderon.

“[They] were all in their 20s when they started becoming known in their role of leadership,” ani Harris.

“Part of what you must remember is that they are people who came before you, who charted a course for you then to pick up the mantle,” aniya pa rin. Kris Jose