Harry Potter, humingi ng tulong kay JC Santos!

Harry Potter, humingi ng tulong kay JC Santos!

November 28, 2021 @ 10:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Na-starstruck ang aktor na si JC Santos kay Daniel Radcliffe o mas kilala bilang Harry Potter!

Hindi makalimutan ng aktor ang experience kung saan habang naglalakad ito ay may nag-approach sa kanya at nagtanong ng direksyon papunta sa isang pharmacy store.

Kwento nito sa Monster RX interview niya, focused siya sa pagse-cellphone, pero nang tumingala upang ma-assist ng maayos ang nagpapatulong sa kanya, na-shock siyang si Radcliffe pala ito.

“I was studying in Circle in the Square in New York. I was texting sa sidewalk and then, nakarinig ako ng British accent.

“Sabi niya, ‘Hello there. Do you know where Duane Reade is?’ Narinig ko, sabi ko kakaiba naman ‘to.

“Pagkatingin ko, as in sa loob ng utak ko may sumigaw na ‘Si Harry Potter!'” kwento ng aktor.

Noong una ay ‘di pa siya makapagsalita pero nang mahimasmasan ay in-offer-an niya si Daniel na ihatid sa mismong store.

At ayon sa netizens, naglakad nga si JC at si Harry Potter together!

What an unforgettable experience! Ilan lang ang makakaranas na ikaw pa mismo mapagtanungan ng isang Daniel Radcliffe!

Sana all. Haha! Paula Jonabelle Ignacio