Harutan nina Erwan Heusaff at Baby Dahlia, viral sa socmed!

Harutan nina Erwan Heusaff at Baby Dahlia, viral sa socmed!

May 10, 2022 @ 8:11 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Cute panoorin ang video ng mag-amang Erwan Heussaf at Dahlia while lounging on a couch at home.

Dapat sana’y irerecord ni Erwan ang tribute video nila para kay Ann Curtis in celrbration of Mother’s Day nitong Linggo.

All set na si Erwan hawak ang kanyang gitara.

He was supposed to sing an old English song.

Kaso, abala si Dahlia sa kabubutingting ng kanyang mga laruan.

‘Di pa nakuntento, panay ang singit nito ng, “I’m pretty!” Tuloy, nadi-distract ang ama sa pagkanta habang naggigitara.

Sensing na imposible nilang maitawid ang tribute video, nakipagharutan na lang si Erwan sa anak.

Kiniliti niya ito at nakipagtawanan.

At one point, makikitang pinipilit talaga ni Erwan na tapusin ang kanta.

Dedma na lang siya kay Dahlia na mas naka- focus sa kanyang toy wagon.

Gayunpaman, tiyak na well-appreciated ni Ann ang sweet gesture ng kanyang mag-ama. Ronnie Carrasco III