Harutan nina Kylie at Jake, nag-viral!

Harutan nina Kylie at Jake, nag-viral!

January 13, 2023 @ 7:16 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Viral ang kumalat na video kung saan nagsasaya si Kylie Verzosa kasama ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito.

Umakbay pa si Jake sa beauty queen turned actress habang kumakanta ito sa isang karaoke session.

May mga nakapansin ding game naman si Kylie habang hinaharot siya ng actor.

Dahil dito, nag-react ang mga Marites sa trending na video.

Hirit nila, may chemistry daw pala sina Kylie at Jake.

May mga nagmamaldita namang nagsabing hindi pa nakaka-move on ang aktres sa ex nitong si Jake Cuenca dahil isa na namang Jake ang kumakalantare rito na tila weakness ng dating beauty queen.

May ilan namang pa-savage na binalaan si Verzosa kay Ejercito.

Sey nila, mag-ingat daw ito dahil hindi marrying kind ang lalakeng bet niyang ipalit diumano sa kanyang former boyfriend.

Ito ang ilan sa mga hanash ng kibitzers.

“In fairness, bagay sila. Mas mukhang mabango si Ejercito kay Cuenca.”

“Kaloka si ghurl. Bet talaga niya ang letter J.”

“Hindi pa rin siya nakaka-move on kay Jake Cuenca dahil isang Jake uli ang bet niyang ipalit. Wala siyang kadala-dala.”

“Naku, ghurl. Ingat ka sa letter J. Red flag na sa iyo iyan.” Archie Liao