Hasselhoff, kinasal na muli!

Hasselhoff, kinasal na muli!

August 1, 2018 @ 9:55 AM 4 years ago


 

New York, United States – Ikinasal na muli ang aktor na si David Hasselhoff sa ikatlong pagkakataon sa modelong si Hayley Roberts.

Kinumpirma ito ng publicist ni Hasselhoff at sinibing ang maliit na selebrasyon ay nangyari sa Italy.

Dinaluhan ang kasal ng 66-anyos na “Baywatch” star at 38-anyos na si Roberts ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Unang nagkakilala ang newly wed pitong taon na ang nakalilipas matapos maging judge si Hasselhoff sa “Britain’s Got Talent.” Nagfi-film ng audition ang aktor sa isang hotel nang lapitan siya ng modelo para sa autograph. Mabilis naman na pinormahan ng aktor si Roberts at sinabing ibibigay niya lang ito kung ibibigay ng modelo ang phone number niya.

Kasunod nito ang engagement ng dalawa noong 2016.

May dalawang anak na babae si Hasselhoff sa kaniyang dating asawa na si Pamela Bach. Remate News Team