Hate comments, almusal ni Pia Wurtzbach!

Hate comments, almusal ni Pia Wurtzbach!

September 16, 2020 @ 8:55 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Muling nag-ingay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang magkomento siya sa absolute pardon na binigay ni Pres. Rodrigo Duterte kay dating US Marine Private First-Class Joseph Scott Pemberton na ngayon ay na-deport na sa USA.

Si Pemberton ay nakasuhan ng 10 years imprisonment dahil sa pagpatay sa isang Pinay trans-woman na si Jennifer Laude noong 2014.

Sa loob ng halos 5 years lamang na pagkakapiit ay nabigyan ni pangulong Rodrogo Duterte si Pemberton ng absolute pardon.

Hindi pabor si Pia sa aksyon ng pangulo kung kaya sa kanyang socmed account ay nag-post siya ng mga katagang: “I’ll never get tired of saying this…”

Sa dulo ay binanggit niya ng limang beses ang #translivematter.

Kinanukasan nang umaga ay katakot-takot na hate comments ang bumulaga kay Pia.

Say naman ng dating beauty queen, bago pa man siya lumaban sa Miss Universe ay bina-bash na raw siya lagi.

Hanggang sa natapos niya ang termino bilang Miss U ay patuloy pa rin daw siyang nakatatanggap ng mga ‘di magagandang komento.

Eh, ano naman kaya ang natutunan ni Pia sa never ending bash na natatanggap niya?

“I learned that you should never be afraid to speak your mind.” Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...